Our Blogs

Discover Stories, Resources, and Support for Our Everyday Heroes Working Abroad!

Puhunan, Sipag, at Diskarte: 15 Tips para sa Wais at Praktikal na OFW Negosyante

Academy Admin

Thu, 16 Apr 2026

Puhunan, Sipag, at Diskarte: 15 Tips para sa Wais at Praktikal na OFW Negosyante

Kabayan, Ready Ka Na Ba Maging Boss?

Alam mo ‘yung pakiramdam na tuwing sahod, may tatlong grupo ng tao?

  1. Yung may pangarap magka-negosyo pero hindi alam saan magsisimula.
  2. Yung may negosyo na pero laging problemado sa kita.
  3. Yung forever nagpapadala sa pamilya… pero hindi sigurado kung saan napupunta.

Kung kabilang ka sa kahit alin diyan, tamang-tama ito para sa’yo! Hindi naman sikreto na ang pagiging OFW ay isang malaking sakripisyo.


Ilang pasko at bagong taon na ang lumipas na wala ka sa tabi ng pamilya mo?

Ilang padala na ang naglaho sa ere? Baka panahon na para sa negosyong may direksyon!


Pero teka, huwag padalos-dalos!

Hindi porket may puhunan ka, sigurado na ang tagumpay. Kailangan ng tamang diskarte at planning.




15 Tips para sa Wais at Praktikal na OFW Negosyante


1. Know Your Market – Dapat Alam Mo Kung Sino Ang Bibili!

‘Wag ka basta-basta magbenta ng kahit ano! May mga tita na mahilig sa kape, may tropang mahilig sa gadgets, at may nanay na mahilig mag-stock ng sabon pang-alaga ng kutis. Alamin kung sino ang bibili ng produkto o serbisyo mo bago ka maglabas ng puhunan.

Huwag maging "Lahat Binibenta, Lahat Palugi."


Focus with one product first, then mag scale up if needed na.


2. Choose the Right Location

Siguraduhing accessible at may foot traffic ang business mo sa tamang target market.

Pro Tip: Kung online business ang target mo, hindi physical location ang kailangan mo - kundi strong online presence! Start with finding a problem in your community na gusto mong mabigyan ng solution.


3. Build a Reliable Network – Hindi Ka Nag-iisa, Kabayan!

Ang negosyo ay parang kape, mas masarap ‘pag may kasamang connections!

Gamitin ang charm mo sa pakikipagkapwa! Mahalaga ang tamang connections sa suppliers, clients, at business partners. Kahit gaano kaganda ang produkto mo, kung wala kang tamang connections, mahihirapan kang lumago.

Pro Tip: Sumali sa Global Filipino Business Hub (GFBH) para makahanap ng trusted suppliers at business ventures!


4. Focus on Quality – Huwag Budol!

Huwag kang magbenta ng "one-time, big-time" na produkto. Ang customer ay parang jowa - kapag niloko mo, hinding-hindi na babalik!

Siguraduhin mong consistent ang quality ng produkto o serbisyo mo para magbalik sila nang kusa.


5. Plan Your Finances Well – Huwag Gastos Dito, Gastos Doon!

Gusto mo bang ang kita mo lang ay pambayad sa utang? Huwag kalimutang maglaan ng budget para sa operating costs, marketing, at emergency fund.

Golden Rule: Huwag gumastos ng higit sa kinikita!


6. Stay Updated with Business Laws and Regulations

Baka masyado kang abala sa pagbebenta, hindi mo na alam na illegal pala ang business mo!

Alamin ang tax requirements, business permits, at DTI/SEC registration para walang sabit sa gobyerno.


7. Continuously Improve Your Product/Service

Kung dati puro load lang binebenta mo, baka panahon na para magdagdag ng accessories o gadgets.

Laging hanapin ang ways para mapaganda at mapahusay ang produkto mo. Huwag kang maging kampante. Level up palagi!


8. Embrace Technology – Iwas Dinosaur Mindset!

Dapat techie ka rin, Kabayan!

Gamitin ang social media, website, at e-commerce platforms para mas madaling magbenta at mag-monitor ng negosyo mo kahit nasa abroad ka.


9. Develop a Strong Online Presence – Huwag Kang "Ghost Seller"

Kung wala kang Facebook page o website, paano ka makikita ng customers?

Make sure na visible ang negosyo mo sa social media at search engines.

For more wais at praktikal tips, follow mo kami sa:

FB Page: GlobalFilipinoBusinessHub


10. Build a Solid Team – Kahit Superhero Ka, Kailangan Mo ng Sidekick!

Walang negosyong solo lang ang nagtatagumpay.

Maghanap ng maasahang tao na may parehong passion at commitment para sa negosyo mo.


11. Be Prepared for Challenges – Hindi laging smooth sailing!

Lahat ng negosyo may problema.

Ang tanong, handa ka bang harapin ito?


12. Monitor Your Cash Flow – Huwag Magpa-Budol sa Gastos!

Budget is life.

Dapat alam mo kung saan pumupunta ang bawat sentimo ng negosyo mo.


13. Take Care of Your Customers – Treat Them Like Family!

Ang satisfied customer ay magiging suki at magdadala pa ng bagong customers sa'yo.


14. Think Long-Term – Huwag Puro "Quick Rich Scheme"!

Walang instant yaman sa negosyo.

Ang totoong tagumpay ay dumarating sa tamang strategy at tiyaga.


15. Be Patient – Hindi Overnight Success ang Negosyo!

Kahit ang lucky me, kailangan mo pa ring lutuin!

Even Rome wasn’t built in a day - ganun din ang negosyo mo. Hindi ibig sabihin na walang kita ngayon, palpak na.

Golden Tip: Ang negosyo ay parang pag-ibig - kailangan ng time, effort, at diskarte para magtagumpay!



Frequently Asked Questions (FAQs)

Pagsisimula ng Negosyo sa Pilipinas

1. Ano ang mga unang hakbang sa pagsisimula ng negosyo?


  • Pumili ng negosyo
  • Gumawa ng business plan
  • Mag-register sa DTI/SEC
  • Kumuha ng business permits
  • Mag-settle ng tax obligations



2. Kailangan ba ng malaking puhunan para makapagsimula?


Depende! May negosyo kang pwedeng simulan sa maliit na kapital tulad ng online selling.



3. Ano ang mga common challenges?


Bukod sa trapik at pila sa gobyerno? Haha! Bureaucracy, competition, at siyempre, tamang mindset!



4. Gusto Mo Nang Magsimula? - Enroll tp our OFW Negosyante Bootcamp!


Huwag kang mag-solo flight, Kabayan! Global Filipino Business Hub Inc. (GFBH) ang Tropa Mo sa Negosyo! Kami ang bahala sa business matching at connections mo!



Kung gusto mo ng tamang business matching, mentorship, at support, sumali na sa Global Filipino Business Hub Inc. (GFBH)!


0 Comments

Leave a comment